Habambuhay

Hawakan ang aking kamay
At tayo'y maglalakbay
Sa ulap ng pagmamahal
Umaaraw, umuulan
Pagsubok nating nalagpasan
Saya't lungkot nating pinagdaanan
Ngayon pa ba bibitawan

Sabihin sakin kung dapat kumapit
Handa pang lumaban
Kaya't sana'y ikaw rin

Alam kong mahirap
Pagitan natin ay dagat
Walang magawa upang ika'y mahagkan
At aking maramdaman
Ngunit kahit ganito ang ating pag-ibig
'Di ako nagdadalawang isip
Ikaw ang nais kong makapiling
Sa habambuhay

Kay rami man ng hadlang
Ika'y hindi ko iiwanan
Ating mga pangako'y tutuparin
Ikaw lamang ang aking iibigin

Di magbabago ang aking damdamin
Handa pang lumaban
Kaya't sanay ikaw rin

Alam kong mahirap
Pagitan natin ay dagat
Walang magawa upang ikay mahagkan
At aking maramdaman
Ngunit kahit ganito ang ating pag-ibig
'Di ako nagdadalawang isip
Ikaw ang nais kong makapiling
Sa habambuhay

Sa habambuhay
Sa habambuhay
Sa habambuhay

At nangangakong ako'y sayo at ika'y akin
Ikaw lamang ang iibigin ko sa habambuhay



Credits
Writer(s): Stephanie Razado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link