Gaemer

Ako na lang ba ang mauuna
Sa laro na ito na nakakapiga ng utak
Oy, gago, 'wag kang kukurap
Tingnan mo lang lagi ang iyong hinaharap
'Wag magpapatalo sa mga nadarama
Kundi ang iyong mga points ay talagang mawawala
Ang mga kalaban ay nandun lang, diyan sa kabila
Marahas ang kanilang armas kaya mag-alala

Maglevel-up ka muna
Bago ka sumabak sa mga hindi mo kaya
Pag-isipan muna ang diskarte
Para 'di umabot sa huli ang pagsisisi
Magparami muna ng iyong karanasan
Para 'di ka magulpi ng kapaligiran mo
'Wag ka maging bobo
Solo-player ka lang at kalaban mo, mundo
Wala kang maaasahan kundi ang sarili mo
Kaya panatiliing mapagmatyag ang pagkatao
Pagkatapos ng lahat
Ikaw pa rin dapat, umaakyat
Papunta sa taas at sa mga pangarap mo
High score ang dapat mong habulin at abutin
At kung maagaw ng iba ay pabalik mong kunin
Mananalo ka lang 'pag sila ay 'yong talunin
'Wag ka nang maawa at kalaban ay durugin

Ako na lang ba ang mauuna
Sa laro na ito na nakakapiga ng utak
Oy, gago, 'wag kang kukurap
Tingnan mo lang lagi ang iyong hinaharap
'Wag magpapatalo sa mga nadarama
Kundi ang iyong mga points ay talagang mawawala
Ang mga kalaban ay nandun lang, diyan sa kabila
Marahas ang kanilang armas kaya mag-alala

Nakatira tayo sa lipunan
Na kung saan lamang ang kahinaan
At puro NPC lang ang tauhan
Mga inutil naghaharian
Itong mga goblin, katawan nila'y lampa
Walang ibang alam gawin kundi bukas bunganga
Mahina nga pag mag-isa pero wag burara
Kung 'di ka alisto, tiyak na matatalo ka
At ang mga succubus, wag mahalin ng lubos
Kundi ang iyong buhay ay kanilang mauubos
Dahan dahan sa mga halimaw na matatanaw
Kundi ang iyong utak ay kanilang matutunaw
Pansinin mo ang paligid mo
Dumadami na ang mga kupal na ito
'Wag ka nang magduda, at 'wag nang malito
Mga XP lang sila sa iyo
Kaya mga gamer, kayo ay magsitayuan
Ang binigay nilang oppression, dapat niyong labanan
Malubhang hinagpis ang inyong madadaanan
Kaya inyong mga puso, dapat tigasan

Ako na lang talaga ang mauuna
Sa laro na ito na nakakapiga ng utak
Oy, gago, 'wag kang kukurap
Tingnan mo lang lagi ang iyong hinaharap
'Wag magpapatalo sa mga nadarama
Kundi ang iyong mga points ay talagang mawawala
Ang mga kalaban ay nandun lang, diyan sa kabila
Marahas ang kanilang armas kaya mag-alala



Credits
Writer(s): Ravi Espinosa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link