Umaasa

Gabi-gabi na lang kitang naiisip
Ilang gabing 'di makatulog dahil sa iyo
Nag-aabang kahit sa panaginip
Na mahawakan at mayakap man lang kita

Dahil tanggap ko nang
Malabo ang maging tayong dalawa

Kaya umaasa na lamang
Ako'y umaasa sa 'yo kahit na walang pag-asa
Magtitiyaga akong maghintay
Kung sakaling ika'y handa na

Ayoko nang magmahal
Kung hindi rin ikaw
Ang dami kong mga plano noon sa 'yo kung nagkataon
Walang nasayang na panahon at kaya ngayo'y nagtatanong kung...

Kasalanan ba kung ibigin ka?
Ayoko na sa 'yong masaktan pa
Tanggap ko na at kahit ipilit ko pa
Malabong maging tayong dalawa

Kaya umaasa na lamang
Ako'y umaasa sa 'yo kahit na walang pag-asa
Magtitiyaga akong maghintay
Kung sakaling ika'y handa na

Kaya umaasa na lamang
Ako'y umaasa sa 'yo kahit na walang pag-asa
Magtitiyaga akong maghintay
Kung sakaling ika'y handa na

Umaasa na lamang
Ako'y umaasa sa 'yo kahit na walang pag-asa
Magtitiyaga akong maghintay
Kung sakaling ika'y handa na



Credits
Writer(s): Daryl Ruiz, Daniel Tuazon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link