GINTO (feat. Miles Llaneta, Pierre & Timustard)

Sa 'yong pag lalakbay, ingat sa 'yong makasabay
Walang taong totoo, 'yon ang totoo
Kahit ang mga paa'y, malapit nang mag mag si pantay
Lahat ng tao sa mundo'y, gusto ng ginto

Tunay nga ba'ng kayamanan makakapag bigay saya?
Daming kalaban sa kailangan ngayon lahat nag u-unahan
Na makakuha, 'yong nauna, balahura gumalaw
'Yong walang nakuha, aba kulang ang hapunan at sabaw lang
Nag pa-paigi ng kalam ng tiyan, malulugi ang walang alam
Sa mga nasa taas ito'y laruan, ngunit sa mahirap kabaliktaran
Ang nangyayari, kaya umaasang palarin
Sa mga nag sabing hindi kailangan ng salapi ay sinungaling
Sinungaling ka!

Sa 'yong pag lalakbay, ingat sa 'yong makasabay
Walang taong totoo, 'yon ang totoo
Kahit ang mga paa'y, malapit nang mag mag si pantay
Lahat ng tao sa mundo'y, gusto ng ginto

Sabi ng iba ako ay kakaiba
Bakit? Dahil sa hangaring mag bahagi sa iba?
Kung sakin lang eh bakit 'di nalang mag kaisa
Pinaikot ang papel o pinaikot ng papel
Ang dilang matabil aba nandilat ang anghel
Bawat ka-alitan karaniwang ka-akibat ay baril
Para may makain, nag paka-cain, papatay din ng abel
Aba bala papamana bilang babala sa iba
Tila binalasa ang panlasa para aba sa pag higa

Sa 'yong pag lalakbay, ingat sa 'yong makasabay
Walang taong totoo, 'yon ang totoo
Kahit ang mga paa'y, malapit nang mag mag si pantay
Lahat ng tao sa mundo'y, gusto ng ginto



Credits
Writer(s): Marc Lloyd Llaneta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link