Tahan

Itago mo sa'kin ang mga lihim mo
Ito'y lilimutin kaya wag ka na muling
Mangangamba

Laging isipin at iyong damhin
Nandito ako
Di ka na muling mag-iisa

Ako'y para sa'yo mula ngayon
Para sa'yo hindi maglalaon
Pangako, sa aki'y hindi ka muling luluha pa
Ako'y para sa'yo

Hayaan mo lang, 'yan ay mawawala
Kusang lilipas nang hindi mo nanamamalayan

At kung sakaling gambalain
Sasamahan kita magdamag
Hanggang sa makatulog ka

Ako'y para sa'yo mula ngayon
Para sa'yo hindi maglalaon
Pangako, sa aki'y hindi ka muling luluha pa
Ako'y para sa'yo

Itago mo sa'kin ang mga lihim mo
Ito'y lilimutin kaya't' wag ka na muling
Mangangamba

Ako'y para sa'yo mula ngayon
Para sa'yo hindi maglalaon
Pangako, sa aki'y hindi ka muling luluha pa
Ohh pangako, sa aki'y hindi ka muling luluha pa
Ako'y para sa'yo
Sa'yo lamang
Ako'y sa'yo lamang
Sa'yo lamang...



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link