Kayang Kaya

Minsan, para bang walang katuwang, wala ring makapitan
Nag-iisang lumalaban at para bang ika'y napanghihinaan
Parang tumigil ang daigdig sa paggalaw
At tila ba nais mo na lamang na bumitaw

(Ooh-whoa, oh-oh) ngunit lahat ng 'to ay malalampasan
(Whoa, oh-oh) hindi Niya tayo iiwan

'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo, manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama

Kayang-kaya, oh, kayang-kaya
Kayang-kaya, oh, kayang-kaya

Gaano pa man kabigat ang ulan, tayo ay makakaahon
At gaano pa man kalayo ang pampang, tayo'y makadadaong
Hindi titigil ang daigdig sa paggalaw
At may pag-asa pa kaya't 'wag kang bibitaw

(Ooh-whoa, oh-oh) 'di ba't lahat ng 'to ay malalampasan?
(Whoa, oh-oh) hindi Niya tayo iiwan

'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo (dulo), manalangin at 'wag susuko
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama

Unti-unti man sa paghakbang
Ito'y ating malalampasan
Kaya sige lang, sige lang sa paghakbang
Ang bagong bukas ay nag-aabang

Mahirap talagang mabuhay dito sa mundo
'Wag kang magalit, nagsasabi lang ako ng totoo
Marami nang nasira at tila hindi na mabuo
Pero magugulat silang lahat kasi alam ko, malalampasan mo pa 'to
Pilipino ako, kakaiba 'to, marami na 'kong sinalong binato
Mga pangit na nakaraang dinaanan, ngayon ay nginingitian ko
'Pag mayro'ng problemang tumira at hindi na masalag 'to
Pinipikit ko ang mga mata, yumuyuko, dinadasalan ko

Uh, tagumpay ang hatid 'pag sama-sama
Tayong nagkasundong hindi magsama-sama
Pansamantala lamang 'to, gano'n naman palagi
Ngayon ay lumalaban, bukas tayo'y babawi
Umaga, o tanghali, o hapon, o gabi
Sana'y pag-asa lagi ang mangibabaw
'Wag mag-alala kung nahihirapan ka ngayon
Kasi darating naman ang madaling araw, araw

(Ooh-whoa, oh-oh) ngunit lahat ng 'to ay malalampasan
(Whoa, oh-oh) hindi Niya tayo iiwan

'Wag nang malulumbay, itong pagsubok ay sadyang kayang-kaya (kayang-kaya)
'Di man hawak-kamay, ang puso natin ay laging sama-sama
Kapit lang hanggang sa dulo (dulo), manalangin at 'wag susuko ('wag susuko)
Tayo ay magtatagumpay basta't sama-sama (kayang-kaya)

Kayang-kaya (kayang-kaya), kayang-kaya (kaya natin 'to)
Kayang-kaya, oh (kayang-kaya), kayang-kaya (kayang-kaya)
Kayang-kaya (kayang-kaya), kayang-kaya
Kayang-kaya (oh), kayang-kaya (kayang-kaya)



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Janine Tenoso, John Roa, Yumi Lacsamana, Pio Balbuena, Christopher Ongkiko, Jeric Medina, Nicole Omillo, Julian Trono, Jem Cubil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link