Mulat

Mulat
Mulat
Ikaw ang pipili
Kung mamumulat ka na
Mulat

Napakaingay
Di mo malaman kung saan ka talaga makikinig
Napakagulo
Nitong mundo
Malamang kaya 'to paikot-ikot
Wala kang mararating

Kung magpapatumpik-tumpik
At ikaw ay pipikit
Malilintik
(Ay lagot tayo diyan pare!)

Hindi titigil ang ingay
Mas lalo kapag palaging magpapadaig
Magpapagulong sa gulo (Naku!)
Aba'y malamang wala ka naman nga talagang mararating

Kung magpapatumpik-tumpik
At ikaw ay pipikit
Malilintik
Sa pagitan ng kinang ng mali't
Ng tamang nananahimik
Ikaw ang pipili

Mamulat sa totoong katotohanan
'Wag mabulag lamang sa mga usap-usapan
Sa dami ng sabi-sabi
Puwede ka pang malihis
Kaya't sa huli'y pag-igtingin pa rin
Ang tinig na namulat
Mulat
Mulat
(Ikaw ang pipili)

Pasensya ka na kung maingay
Pero walang magagawa kundi ang makinig sa tama
At kapag namulat ka na
Bumangon ka na
At sumamang gumising pa ng iba

Kung magpapatumpik-tumpik
At ikaw ay pipikit
Malilintik
Sa pagitan ng kinang ng mali't
Ng tamang nananahimik
Ikaw ang pipili

Mamulat sa totoong katotohanan
'Wag mabulag lamang sa mga usap-usapan
Sa dami ng sabi-sabi
Puwede ka pang malihis
Kaya't sa huli'y pag-igtingin pa rin
Ang tinig na namulat

Sa totoong katotohanan
'Wag mabulag lamang sa mga usap-usapan
Sa dami ng sabi-sabi
Puwede ka pang malihis
Kaya't sa huli'y pag-igtingin pa rin
Ang tinig na namulat

Mulat
Mulat
Mulat
(Ikaw ang pipili)
Mulat
Mulat



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link