Damaso

So, para 'to sa lahat ng mga tao na, ah, pa'no ba...
Para 'to sa lahat ng mga tao na nahusgahan dahil
Mayro'n silang tattoo, umiinom, nagyoyosi
'Tsaka para sa lahat ng mga tao na
Mabait na sila 'pag nagsisimba sila tuwing Linggo
Sa 'kin lang naman, ah, 'di mo ikinasama
Kung naninigarilyo ka, umiinom ka, nagyoyosi ka
'Di mo rin 'kinabait kung nagsisimba ka tuwing Linggo
So, para sa lahat ng mga nahusgahan, pasensiya na kayo
Para sa lahat ng mga nanghuhusga at nagpapanggap, putang ina n'yo

Amen, Amen
Amen, amin ang Pilipinas
Amen, Amen, magbanal-banalan pa

Ano'ng natutunan n'yo sa linggo-linggo n'yong pagsisimba?
Kinabisadong mga talata, bakit mo niyayabang sa madla
Na ika'y nagdarasal? Sana ipagdasal mo ang iyong asal
"Wala sa Bibliya ang purgatoryo", sabi ni Jose Rizal

Maraming may tattoo't umiinom, nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe, 'di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable
Pare-parehas ang rehas natin, pare
Damang-dama, sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa

Mahirap ang bansa pero may magandang kapilya
'Pag 'di kasali, sa labas, may pila, pero kay tamis ng dila
'Di nagbabayad ng buwis pero nagbubuwis ng buhay ng iba
Mabait para magpadala sa langit

Maraming may tattoo't umiinom, nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe, 'di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable
Pare-parehas ang rehas natin, pare
Damang-dama, sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa

Sa kalsada, nagkalat, tintang pulang 'pinangsulat ko sa kanta
Sabi ni Magalona, "Walang payapa kung baril ay ginagamit pa"
Tayo'y tunay bang malaya kung dagat natin, inangkin ng iba?
Diyos, umiiyak sa langit; si Kamatayan, tumatawa sa mga mangmang
Maraming may tattoo't umiinom, nagpapausok

Maraming may tattoo't umiinom, nagpapausok
Pero 'di nagpapanggap katulad mo
Maliwanag ang mensahe, 'di ka minamasahe
Huwag ka masyadong komportable
Pare-parehas ang rehas natin, pare
Damang-dama, sobra ka na
Huwag na kayo magbanal-banalan pa

(Amen, Amen) magbanal-banalan pa
(Amen, amin ang Pilipinas) magbanal-banalan pa
(Amen, Amen) magbanal-banalan pa
Huwag na kayo magbanal-banalan pa



Credits
Writer(s): Jomuel Casem
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link