Pagbangon

Gising Na, wala nang takot at pangamba
Ating bayan ay babangon na
Dahil sa'ting pagsasama sama

Halika na, aking palad ay abutin na
Ituloy ang pagkakaisa
Pagbuklurin lagi ang pag asa

Bawat tao'y di dapat magkanya kanya
Isang hangarin, bayani ang bawat isa
Ating sundin ang batas nitong dala
Upang makamit, tagumpay na pinag isa

Sa pagbuhos ng ulan sumilong sating tahanan
Kapag Sikmura'y Kumalam, may Kaban na nakalaan
Ang Araw din ay Sisikat, matutuyo ang Kapaligiran
At muli ay malaya kang, lilipad sa Kalangitan

Sumipol ka, sariwang Hangin, dadampi na
Init na bilango'y laya na
Lakad sa isip ng ginhawa

Gising Na, wala nang takot at pangamba
Ating Bayan ay babangon na
Dahil sa'ting pagsasama sama

Pagpupugay ihandog sa isa't isa
Kapit bisig, mayrong gabay ating Ama
Dakila at Sandata ang ating dala
Susuungin ang wakas ng Virusa

Sa pagbuhos ng ulan sumilong sating tahanan
Kapag sikmura'y kumalam, may Kaban na nakalaan
Ang Araw din ay sisikat, matutuyo ang Kapaligiran
At muli ay malaya kang, lilipad sa Kalangitan

Gising Na, wala nang takot at pangamba
Ating bayan ay babangon na
Dahil sa'ting pagsasama sama
Dahil sa'ting pagsasama sama
Gising Na



Credits
Writer(s): Randall Mangulabnan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link