DSL

Daanang kanina'y tuwid, panay kurba
Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda
Ramdam mo ba 'yung alon? Handa na 'kong masuka
Tara, pumasok na sa pintuan, bago pa magsara

Gan'to pala 'pag nagbabalat ang langit, kulay kalabasa
Tubig na mula sa Nawasa, naging prutas ang lasa
Mga salitang nagkasundo, mensahe'y pasa-pasa
Mga numero sa mundong ito, tila may pinapabasa
'Yung nasa dingding ay nagsasalita, sirang plaka
'Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya?
Kaya 'di nagpabaya, baka tuluyang maligaw, mawala
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagpanik 'pagkat sadyang matarik
Basta, tandaan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot
Sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan
Bago magamit 'yung duyan
Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan

Bulag man ako sa oras, nasipat ko naman ang katotohanan
Sa likod ng kalawakan, nakita ko sila, ngunit 'di ko mahawakan
Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan
Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin
Naging tigre 'yung isa sa mga dating nailigaw na kuting
Ang mga pira-pirasong pangarap na kailangan pang buuin
Tinanim sa lupang bibihira tumaba, kaya ayaw nilang dakutin

Buhat nu'ng ako'y naliwanagan, isang malubak na lansangan, naging bagong kapatagan
Kung walang pusong pinayayaman, isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan
Ang buhay man ay maulan, pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan
Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik, basta sundan mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot
Sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan
Bago magamit 'yung duyan
Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan

Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama

Ang gabi ay lumalalim, ako'y lumulutang sa salbabidang punong-puno ng sariwang hangin
Nu'ng pumutok, ako'y lumubog sa ganda ng tanawin
Kaliwa't kanang tawanan, sari-sari ang pagkain
'Di ko akalaing ang pagiging mahiyain ang aking daan upang maging malikhain
'Di ko man marinig ang sinasabi nila sa 'kin sa labas
Sarado man ang dalawang pintuan, kita ko sila sa bintanang nakabukas
Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig
Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig
Ingat lang sa pagtawid 'pagkat sadyang matarik
Basta baybayin mo lang ang daan pabalik

Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan
Ramdam ko ang hiwagang bumabalot
Sa liwanag na bumabanda sa buwan
Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan
Bago magamit 'yung duyan
Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan

Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama

Ako'y binala sa pana
Hinila pabalik sa pagiging bata
Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata
Umaasang sa gitna tatama



Credits
Writer(s): Ron Joseph Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link