Hinahanap (feat. Elio)

Gusto kita na marinig na sa lamig
Ng gabi at ang hiling na kapalit
Ay ibabalik ang dati tayo lamang lagi
Sating magkasalong mga sandali
Hinahanap na kita, hinahanap na kita
Hinahanap kita, hinahanap kita, hinahanap na...

Teka lang muna, Jan ka sa tabi
Hanggat madilim ang ilaw, usap tayo sandali
Di mapakali ang isip, bat ka ba nakangiti
Baka lang hindi mo yata alam na ikaw ang gusto ko sa buong gabi

Wag ka nang mag ingay, Sakin mapalagay
Negatibo sa isip, ako papatay
Positibo palagi, ang aking taglay
Bubuhayin muli mundo mong matamlay
Sabay na tumagay, ayoko mawalay
Gusto na kita na panghabang buhay
Wag papadala sa mata na mapungay
Ganyan talaga pag may gandang taglay

Wag ka munang umuwi gusto kitang makasama pa
Makausap at makayakap ka parang Dati na ikaw talaga bumubuo ng araw at
Ng gabi ko Di mo ko binigo di ko kayang muli ka pa saken malayo
Kahit anong gawin, bakit ikaw pa rin,
Pag ikaw yung kasama, palaging bitin

Di ba di ba di ka
Biglang mawawala
Mawala man ng saglit, bakit hanap ko pa rin
Mga yakap mo't halik

Gusto kita na marinig na sa lamig
Ng gabi at ang hiling na kapalit
Ay ibabalik ang dati tayo lamang lagi
Sating magkasalong mga sandali
Hinahanap na kita, hinahanap na kita
Hinahanap kita, hinahanap kita, hinahanap na...

Wag ka ng magtampo, at walang alak to (wala)
Manunuyo lang at 'tatabi ang kalat ko
Palitan na natin ng tamis ang pagkaalat mo
At susuntok ako sa buwan kung naro'n kang tumatakbo yeah
Binibining nakadarang, hinihiling ko ang tama (tama)
Hinding hindi pagkasalang pinipili ko ang kama
Papagiinitin natin ang gabi hindi para lamang mag-umaga (maga)
Byahe natin ay palitan lang ng manibela nang 'di na pumara (para)
Melodiya ng kanta ay ating sabayan nang wala ng pagmamadali
Sa kwento nating dalawa na pinag-isang telang iba ang pagkakatahi
Na para lang telenovela at bida ka sa gabing aking 'pagmamalaki
Habang nakaibabaw ay mapatawad mo sana sa pagkakamali

Gusto kita na marinig na sa lamig
Ng gabi at ang hiling na kapalit
Ay ibabalik ang dati tayo lamang lagi
Sating magkasalong mga sandali
Hinahanap na kita, hinahanap na kita
Hinahanap kita, hinahanap kita, hinahanap na...

Wag ka na mangamba na bumalik
Ayusin na muna natin ulit
Pasensya na kung medyo makulet
Gusto lang kita mayakap saglit

Saken ay muli nang bumalik
Handa akong ulitin pa ulit
Hindi ko na kailangan makipagsabayan pa
Dun sa iba kasi iba naman itong nadarama

Gusto kita na marinig na sa lamig
Ng gabi at ang hiling na kapalit
Ay ibabalik ang dati tayo lamang lagi
Sating magkasalong mga sandali
Hinahanap na kita, hinahanap na kita
Hinahanap kita, hinahanap kita, hinahanap na...



Credits
Writer(s): Dale Clemente
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link