Hindi Na Naulit Muli

Haplos ating litrato
Kung saan tayo'y magkatabing nakangiti
Dama ko pa rin ang pag-akbay mo roon
Na hindi na naulit muli

Haplos ating litrato
Noong unang beses nagkapit ating mga kamay
Dama ko pa rin ang higpit ng yong hawak
Na hindi na naulit muli

Paulit-ulit tinatanong
Babalik pa ba ang kahapon

Hindi na makatulog kakaisip
Na baka sakali kong maibalik
Umaasang lahat ng 'to ay panaginip
Baka sakaling ikaw ay bumalik sa'kin

Ilang araw ang lumipas
Nakatulala sa hangin at nag-iisip
At nang tumugtog ang radyo aking naalala
Ang kanta na minsan nating isinayaw

Sinubukang ika'y kausapin
Para lang malaman kung ako'y mahal mo pa
Ika'y lumayo at pilit na ako'y di na pansinin
Sapagkat ikaw nga ay hindi na akin

Kitang-kita ko sayong mata
Na ako ay 'di na mahalaga
Mahalaga pa ba

Hindi na makatulog kakaisip
Na baka sakali kong maibalik
Ang kahapon na ako ang laging pinipili
Sa tingin ko nga'y hindi na

Hindi na ako magsasayang ng oras pa
Kung ako naman sayo'y 'di na mahalaga
Hindi na ako patuloy na lalaban pa
Mabuti na nga sigurong itigil na

Hindi na makatulog kakaisip
Na baka sakali kong maibalik
Mga alaala natin nasa aking isip
Hindi na naulit muli



Credits
Writer(s): Adriane Navales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link