Pag-Ibig

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
Kapag naluma, papalitan
Ang pag-ibig, hindi parang damit
'Pag may bagong uso, papalitan

Kung sabihin kong mahal kita, 'yan ay totoo, sinta
Huwag na huwag kang magdududa, hindi kita binobola

Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago

Ah-ha-ham, ah-ha-ham
Ah-ha-ham, ah-ha-ham

Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
'Pag pinagsawaan, 'pamimigay na lang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
Kapag maingay, ililigaw na lang

Kung sabihin kong mahal kita, 'yan ay totoo, sinta
Huwag na huwag kang magdududa, hindi kita binobola

Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit nga ika'y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, iki-kiss pa rin kita

Ah-ha-ham, ah-ha-ham
Ah-ha-ham, ah-ha-ham

Love is patient, love is kind
It does not envy, it does not boast
It is not proud, it is not rude
It is not self-seeking
It is not easily angered
It keeps no record of wrongs
Love does not delight in evil, but rejoices with the truth
It always protects, always trusts
Always hopes, and always perseveres

Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit na topakin ka, iintindihin kita
Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa 'yo, oh sinta
Kahit nga may kasalanan ka, iiyak ako pero papatawarin kita

Doo-doo, ba-ra-boom, ba-doom
Doo-doo, ba-ra-boom, ba-do-boom, ba-ra-bey, hey
Ah, ah, ah, oh, ooh
Doo-doo, ba-ra-boom, ba-doom
Doo-doo, ba-ra-boom, ba-do-boom, ba-ra-bey, hey
Ah, ah, ah, ah, oh



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link