Nag-Iisang Ikaw

Araw-araw nalang ay nag-hihintay sayo
Nananabik na mahagkan at mayakap ka
Iniwan mong alala ang siyang lagi kong kasama
Bakit kapag wala ka sadya bang kulang pa

Bakit kaya gano'n ang s'yang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga sa aking puso ang ligaya
Dahil sa 'yo ako'y wala nang hahanapin pa

Ikaw ang pag-ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Nasa tuwina natatanaw
Sa aking puso'y may tinatatangi
Ang nag iisang ikaw

Bakit kaya gano'n ang s'yang nadarama
Sa bawat sandali hanap ka ng aking mata
Marahil ay ikaw na nga sa aking puso ang ligaya
Dahil sa 'yo ako'y wala nang hahanapin pa

Ikaw ang pag-ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Nasa tuwina natatanaw
Sa aking puso'y may tinatatangi
Ang nag iisang ikaw

Kahit na anong mangyari
Magmamahal pa rin sa 'yo
At ang lagi kong iisipin mahal mo rin ako...

Ikaw ang pag-ibig ko ang tawag ng damdamin
Ang mabuhay ng wala ka ay hindi sapat
Dahil kailangan ko ay laging ikaw
Nasa tuwina natatanaw
Sa aking puso'y may tinatatangi
Ang nag iisang ikaw

Ang nag-iisang ikaw...



Credits
Writer(s): Venancio Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link