Klwkn

Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata

'Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis t'wing hawak ko ang iyong kamay

Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan (sa katawan)
Daig pa rin ng liyab na aking nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo (magkabilang mundo)
Isang tingin ko lang sa buwan, napalapit na rin sa iyo

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa 'ting halik

Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan

Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Halika na sa ilalim ng kalawakan (kalawakan)
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan (saksi ang buwan sa pagmamahalan)
Nating dalawa, nating dalawa



Credits
Writer(s): Rangel Fernandez, Fender Dimalanta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link