Mapanganib

Mapanganib mamuhay sa mundong ito
Hindi dahil sa masasamang tao
Kun'di sa mga nanonood lang
Habang mayroong pinahihirapan

Kaya't bago tayo maging biktima
Ng ating pagsasawalang bahala
Gumising, kumilos, kapwa'y damayan
Gawing ligtas ang kapaligiran

Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan
Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan

Katotohanan ay ating hanapin
Sa gitna man ng dilim at karahasan
Ang bawat isa ay palayain
Pawiin ang takot sa puso at isip

Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan
Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan

Ngayon ang panahon, huwag nang sayangin
Hangga't pag-asa ay mayroong ningning
Hangga't 'di pa huli, tayo'y makisangkot
Sunggaban ang bawat pagkakataon

Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan
Sama-sama tayo baguhin ang mundo
Atin ang katwiran, atin ang kinabukasan

Mapanganib mamuhay sa mundong ito
Hangga't tayo ay hindi kumikibo



Credits
Writer(s): Danilo Fabella
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link