Multo

Sabi nila, masaya ka na
Naalala ko bigla, huli nating pagsasama
Parang totoo ang mga titig mo
At kung pa'no mo sabihin na mahal mo rin ako

Kumusta ka na? May iba na ba?
Ako'y nag-iisa at nagtataka
Ipaliwanag sa akin, mga tanong ay sagutin
Umalis ka lang bigla na wala namang dahilan

Bakit mo 'ko iniwan?
Bakit mo 'ko nagawang saktan?
Ba't 'di man lang nakaramdam?
Wala man lang paalam
Wala man lang paalam

Gisingin mo ako kung panaginip lang ito
Para na akong masisiraan ng ulo
'Di alam ang iisipin, kung sino ang sisisihin
Umalis ka lang bigla nang wala namang dahilan

Bakit mo 'ko iniwan?
Bakit mo 'ko nagawang saktan?
Ba't 'di man lang nakaramdam?
Wala man lang paalam
Wala man lang paalam

Kung sino pa ang 'yong binuo
S'ya rin pala ang dudurog sa 'yo
Kung sino pa ang 'yong binuo
S'ya rin pala ang dudurog sa 'yo

Bakit mo 'ko iniwan?
Wala man lang paalam



Credits
Writer(s): David Bhen Emmanuel Galang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link