Ahon

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Tanda ko pa nung bata pa
Tatay ko mayrong dalang
Pasalubong galing leveriza
Isang maliit na bisikleta

Na Kalong kalong kalong nya
Anak bangon bangon bangon na.

Nung binata na at pumoporma
Sa dalaga na kursonada
Dahil walang kotseng ipoporma
Dumadayong naka bisikleta

Umahon ahon ahon pa.
Ako'y tapon tapon tapon din pala.

Buhay ay parang bisikleta lang
Pumidal kung di na kaya pang humakbang
Patag o malubak man ang daan
Kahit na malayong pupuntahan
Umahon ahon ahon ka
Bumangon bangon bumangon ka
Umahon ahon ahon pa
Bumangon bangon bumangon ka

Kapag ikaw ay natumba
Pagpagin bangon ulit
Di ka dapat mahiyang
Matalsikan putik putik

Kahit na gumulong ka
Tiisin mo ang sakit
Pag sikad sa kaliwa
Sa kanan naman ulit

Nakakalula ang ahon
Di ko yata kakayanin
Tuyo na ang lalamunan
salubong ka pa sa hangin

Luto sa araw mag hapon
Parang binilad na daing
Papunta at pabalik
sa trabaho na mahiyain

Ang sweldo di mag marka
Parang pidal sa alulod
Puwede kang mag pahinga
Kesa naman masubsob

Pawis sa mga mata
Batok pati sa likod
Di ka na makahinga
Pagod ka pa sa pagod

Parang bisikleta ang buhay
Kahit minsan lang aralin
Di puwedeng pasuray-suray
di pwede ang alanganin

Ibat iba man ang kulay
Mura o mamahalin
Makakarating ka rin
mabagal man o matulin



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link