Haay Buhay

Tanaw mo
Sa mga matang ayaw pang pumikit
Dinig mo
Ang daing sa labing limot na ang gawi
Haay buhay
Haay buhay

Sundan mo lang
Ang mga paang pagod na'at masakit
Huwag kang matakot
May bukas pang sa ati'y parating
Sunggaban mo
Ang araw na pinangako sa'atin
Sa pagsulong ng araw
Nariyan lang ang pagasa natin

Ramdam mo
Sa kanyang haplos ayaw kang umalis
Tingin mo
May bukas ba ang iyong pagbabalik?
Haay buhay
Haay buhay

Sundan mo lang
Ang mga paang pagod na'at masakit
Huwag kang matakot
May bukas pang sa ati'y parating
Sunggaban mo
Ang araw na pinangako sa'atin
Sa pagsulong ng araw
Nariyan lang ang pagasa natin
Nariyan lang ang pagasa natin



Credits
Writer(s): Benjie Aristo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link