Manghuhula

Paano mo nalaman
Na ako'y nagkulang?
Ako ba'y may nasabi?
Ba't ako nasisi?

'Di maaasahan
'Di ko kailangan
Tumingin sa 'yo't magsabi
"Ako ay nagsisisi"

Alam kong alam mo na
Lahat ay nagbago na
Kahit ilang beses ko pang
Sabihing ikaw lang nga talaga

Ikaw na, galing mong manghula
'Di mo kailangan tanungin
Mahal pa rin kita
At 'di mo napansin

Sa iyong akala
Ako'y nagduda
Walang kalaban-laban
Kaya't tahimik lamang

Iniisip kita
Nakikita mo ba?
Ayoko nang magalit
Ayoko nang ipilit

Alam kong alam mo na
Lahat ay nagbago na
Kahit ilang beses ko pang
Sabihing ikaw lang nga talaga

Ikaw na, galing mong manghula
'Di mo kailangan tanungin
Mahal pa rin kita
At 'di mo napansin

Nakikiusap lang
Ah-ah, 'wag namang ganyan
Ako ay labis nang nasasaktan

Ikaw na, galing mong manghula
'Di mo kailangan tanungin
Mahal pa rin kita
Ba't 'di mo napansin?

Manghuhula
Kahit ano ang gagawin
Sana ay mahulaan mong ikaw pa rin



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link