Paano Kita Mamahalin, Pilipinas?

Pa'no kita mamahalin, o Pilipinas?
Kung ang piring tinuturing mong kapayapaan
Ayaw mo ba ng liwanag?
Sa pag-asa ba't ka umiilag?
Kasadlaka'y lagi mong yakap
Ang ilaw ayaw maaninag
Pa'no kita mamahalin?

Pa'no kita mamahalin, o Pilipinas?
Kung ang busal magiliw mong ninanamnam
Ayaw mo bang magsalita?
Di ka ba nangangatwiran
Mabuti ba ang katahimikan?
Tikom na ba pati ang isipan?
Pa'no kita mamahalin?

Pa'no kita mamahalin, o Pilipinas?
Kung tanikala ay yakap mo nang mahigpit
Ang gapos tila iyong inibig
Sa takot ikaw ba'y alipin?
Di makagalaw sa dilim
Ipit na ipit ang hikbi
Pa'no kita mamahalin?



Credits
Writer(s): Natt Dublin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link