Di Mo Lang Alam

Parapapapa...

Di mo lang alam
Kapag ika'y nandyan
Ang puso ko'y kumakabog-kabog
Di makahinga, di makaimik

Di mo lang alam
Kapag lumilingon
Ang puso ko'y tumatalon-talon
Di maka-relax, di mapakali

Gabi-gabi nalang napapatulala
Na para bang walang exam sa makalawa
O di ko na alam ang dapat kong gawin
Upang sa wakas ako'y iyong mapansin

Di maintindihan ang nararamdaman
Sadyang kay hirap mong pakawalan
Ang iyong mga ngiti
Mga pulang labi

Litong-lito ngayon
Kay dami ng tanong
Ang puso ko'y bumubulong-bulong
Mahal na ba kita?
Ano ba talaga?

Ang gusto ko lang sana ay ang malaman mo
Ikaw ang laging laman ng puso't isipan ko
O ikaw lang ang sinisigaw ng pusong ito
Habang-buhay na ba akong maghihintay sa'yo

Parapapapa...

Kung sabihin ko na ako'y may gusto sa'yo
Pakiusap naman sana'y paniwalaan mo
O ikaw lang ang tinitibok ng pusong ito
Ang pag-ibig mo lang ang tanging pangarap ko

Parapapapa...

Litong-lito ngayon
Kay dami ng tanong
Ang puso ko'y bumubulong-bulong
Mahal na ba kita?
Ano ba talaga?

Mahal na ba kita?
Oh well, siguro nga



Credits
Writer(s): Nicole Abuda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link