Kung Sabagay

Hindi na makausap
Hindi na makilala
Hindi ko na makita pa sa 'yong mata
Na ikaw ay masaya

Sana ay sinabi
At 'di ko na sinisi
Ako'y pagal sa diwa mong kay pait
Kay pait

Kung sa bagay nga naman
Ang lahat ay natapos nang walang dahilan
Kung sa bagay nga naman
Hindi ko na mababago ang isip mo at ang puso mo

Ngayon ay nagsisisi
Sa lahat ng mga nasabi
Hindi na sana iniwan pang nag-iisa
Nag-iisa

Sana ay malaman mong
Ako'y hindi magbabago, oh-whoa, oh
Ang puso ko ay para sa 'yo
Ito'y para lang sa 'yo

Kung sa bagay nga naman
Ang lahat ay natapos nang walang dahilan
Kung sa bagay nga naman
Hindi ko na mababago ang isip mo
At ang puso mo

Kung sa bagay nga naman (kung sa bagay)
Unti-unti kang nagbago palayo sa 'king mundo (kung sa bagay)
Kung sa bagay nga naman
Mula ngayon ay sinabi mong ayoko na sa 'yo

Kung sa bagay



Credits
Writer(s): Annalyn P. Aquino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link