Liham Para Kay

Alam kong pagod ka na
Ba't di ka magpahinga
Umulit lumuluha
Punitin na ang pahina
Alam kong pagod ka na
Ba't di ka kumawala
Habang may oras pa
Pwede ka pang kumawala
Ohh

Alam kong nagmahal ka lang
'Di na 'to sapat na dahilan
Baka pwedeng umalis ka na diyan
Huminga ka naman
Ohh

Kita ko sa'yong mata Na kahit na ngumingiti
Alam kong 'di ka masaya Kasi may minimithi
Na baka magbago siya At ba't nandito ka ulit
Dahil pangako nawala 'Wag mo nang ipilit
Sakanya'y 'di mahalaga Na kahit na sumiksik
Ang mata niya'y nasa iba 'Wag ka nang sumisid
Alam mong malulunod ka Katotohang masakit
'Yun ay kahit mahal mo siya Ay masaya siya ng pilit

Maniwala ka sa'kin 'pag nanatili ka diyan
Unti-unti kang kakainin mauubos ka lang
Mawala man siya sa piling magiging okay ka lang
Masasanay ka din na may ibang sandalan
kahit hindi na sa'kin basta sumaya ka lang
Okay na 'yon sa akin sa maling pagmamahal
Ay 'wag ka lang mabitin walang kayong dalawa
kung iyong tatantuhin

Gusto ko lang ipaalala na mahalaga ka
Na sa mata ng marami ay ikaw ay maganda
Alam mong natatangi ka walang pwedeng ikumpara
Sana nadidinig ng puso mo kahit na bato na
Kaya naiintindihan ko na
Kung bakit tuwing kausap ay naiilang ka
Kapag nagbibiro ay pilit ang mga tawa
Mga tamo mong marka ay bakas sa'yong mga mata
Hanggang ngayon ay nasa nakaraan ka pa
Di kita masisisi kung bakit nandiyan ka pa
Dahil nagkikimkim at nasasaktan ka pa
Pero maniwala ka sa'kin at malakad ka na sarili mo ay isalba
Huwag kang manatiling miserable para sa iba
Maniwala ka na kakayanin mo nang mag-isa
Dahil gan'on din naman ang pakiramdam mo diba
Oo huwag mo nang itanggi pa.

Dahil matatalo ka kaya kumawala ka na
Wala namang pumipigil e, umalis ka na
Walang susing kailangan dahil ang pinto'y nakabukas na
Matagal na
Ikaw lang mismo 'yong kadena
Ayaw mo lang aminin, ayaw mo lang tanggapin
Kaya ang susi'y ginawa kong liham
Para ipaalala sa'yong deserve mong sumaya ng hindi siya kasama

Alam kong pagod ka na
Ba't di ka magpahinga
Umulit lumuluha
Punitin na ang pahina
Alam kong pagod ka na
Ba't di ka kumawala
Habang may oras pa
Pwede ka pang kumawala
Ohh

Alam kong nagmahal ka lang
'Di na 'to sapat na dahilan
Baka pwedeng umalis ka na diyan
Huminga ka naman



Credits
Writer(s): Darrel Chan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link