Umaga

Para sayo to at wala ng iba pa
Para sakin ikaw na talaga
Ang pinaka mahalaga
Kapag nakikita kita
Nagiiba nalang bigla ang tema
Sa buhay ko na pariwara
Sinarado mo ang aking tenga
Sa mga tao na mapanghusga
Alam mo na kung sino ka

Pinipilit na bumangon
Upang makita ka
Ayos lang kahit mapagod
Basta kasama kita
Kahit napaka bigat ng aking dala
Kahit gaano kalayo ang lalakirin
Kahit siksikan sa biyahe
Ayos lang basta ikaw ang aking Kasama

Ikaw ang pinaka umintindi saakin
Sa mga gabi na kaaway ko ang aking Sarili
Laging nakasuporta sa aking mga Kanta
Kaya para sakin ikaw na ang pinaka mahalaga

Isang maikling mensahe lamang iha
Ang kanta na to ay para sayo at para Sayo lamang wala ng iba pa
Salamat sa lahat ng ala ala
Sino bang may akala na matatapos Ang lahat sa may bambang
Nagsimula ng magulo nagtapos ng Maayos puta buhay nga naman talaga
Pero ayos lang wala eh ganon talaga
Ang mahalaga kayo ay masaya
Basta lagi mo tatandaan ang aking
Sinasabi sa iyo sa mga araw at gabi na
Magulo ang utak mo nandito pa din
Ako para sayo handang sumalo
Handang dumayo para lang sa saya
Na kailangan mo ito ang aking
Paraan upang makabawi sa lahat ng
Naitulong mo
Pinalakas mo ang aking loob
Sinakyan ang bawat trip pati na yung
Ukay trip mga masasayang ala ala
Habang buhay ng nakatatak sa utak at sa puso
Pinagtagpo ngunit hindi pa din tinadhana
Ganyan ang tema ng buhay pagdating sa relasyon nating dalawa pero ako'y nagpapasalamat
Binago mo ako hindi sapat ang kanta na to
Upang mabuhos ko kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala kita
Sa buhay na to sana alam mo ang Iyong halaga,
Mahal kita bilang Kaibigan at mamimiss kita salamat sa lahat
Hanggang sa muli nating Pagkikita
(Hanggang sa muli nating pagsasama)



Credits
Writer(s): Simon Benjamin Peñaflor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link