Ang Sagot

Ayoko na malaman ang sagot
Kaya hindi ako nagtatanong
Sa tawag mo'y hindi na sasagot
Paulit-ulit lang naman ang 'yong sumbong

Araw araw ay paulit-ulit ang ganap
Akala mo iskripted na bawat galaw
Silaw sa pera ang lahat ng mga nangasa taas
Maging asul, pula, puti man o dilaw
Mahirap nang asahan miske ang swerte
Matatalo sa pustahan wag dumipende
Magtyaga ka ng sagad-sagad magbumilad
Madama lang ang ginhawa kahit di agad-agad
Wala kang aasahan, ikaw ay mag-isa
Matuto kang lumaban para ka sumaya
Pwede ka mandaya saka ka tumaya
Siguraduhin na sa gagawin merong mapapala

Ayoko na malaman ang sagot
Kaya hindi ako nagtatanong
Sa tawag mo'y hindi na sasagot
Paulit-ulit lang naman ang 'yong sumbong

Ayoko na malaman ang sagot
Kaya hindi ako nagtatanong
Sa tawag mo'y hindi na sasagot
Paulit-ulit lang naman ang 'yong sumbong

Minsan iniisip kung pano nasisikmura
Nanakawan tatapakan ang mga kaluluwa
Kalugihan pa rin pala kapag hindi n'yo nanakawan
Ang ahensya na nakalaan para sa kalusugan
Sige ako'y panggap naghahasik ng kamalayan
Pero nalimot nyo na may mata ang taong bayan
Amin nang nasilayan panlolokong naganap
"Demokrasya" ang sigaw pero ang utak at kurap
Ika'y hindi bayani, negosyante na umani
Ng pekeng pamumuri ng mga utu-uto
Pilay na ang gobyerno kasi lahat nakatali
Kitang kita ang resulta ng kabutihan n'yo na kung tawagin
Ayoko na malaman ang sagot
Kaya hindi ako nagtatanong
Sa tawag mo'y hindi na sasagot
Paulit-ulit lang naman ang 'yong sumbong



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link