Lakbay

Sinubukang maglakbay patungo sa malayong baybay
At baka may masilayan
Sa hanging sumasabay,
ako'y natatanghay kung saan matatanaw ang hinahanap

Sa pag-ikot ng mundo,
ikaw lang at ako ang pinangarap ko
Papaano na ito?
Matagal-tagal na ring umapak sa malalim na bangin
Dudulas na't mahuhulog

Nang makita ka sa isang tabi
'Di na mapakali, puso'y nagkukunwari at tinatanggi
Na ako'y naaakit sa pambihira mong taglay
'Di ko maiwasan sayo na matanghay

Tumatakbo ang oras
Tayo ri'y kukupas
Huwag nang magpalipas
Bigyan na ng basbas
Ang isat'isa ay pagod na ring maglakbay

Sa pag-ikot ng mundo,
ikaw lang at ako ang pinangarap ko
Papaano na ito?
Matagal-tagal na ring umapak sa malalim na bangin
Dudulas na't mahuhulog

Nang makita ka sa isang tabi
'Di na mapakali, puso'y nagkukunwari at tinatanggi
Na ako'y naaakit sa pambihira mong taglay
'Di ko maiwasan sayo na matanghay

Nang makita ka sa isang tabi
'Di na mapakali, puso'y nagkukunwari at tinatanggi
Na ako'y naaakit sa pambihira mong taglay
'Di ko maiwasan sayo na matanghay

Tumatakbo ang oras
Tayo ri'y kukupas
Huwag nang magpalipas
Pagkat tumatakbo ang oras



Credits
Writer(s): Pau Sena
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link