Sa Paggising Mo

Nakatingin ka na naman sa kisame
May mga bagay na 'di mo naman sinasabi
Pagdududa pagka-praning, 'di mapakali
Aking pag-pili sayo'y hindi hula, walang mali

Oh papaano ko ba mapapadama?
Na walang papantay sa iyong halaga
Mag-pahinga ka lang, iingatan kita
'Wag mag-alala

Sa paggising mo, wala nang aalahanin pa
Hanggang pagtulog mo, ibubulong sayo
Ang kapanatagan na kaya kong ibigay sayo
Na sa pagmulat mo ay alam mong mahal kita
Oh aking sinta

Lahat ng negatibong iniisip mo, aalisin ko sa buong puso at isip mo
Sakin ka sumandal at matulog nang mahimbing
Pagmamahal ko sa iyo'y 'di pwedeng ihambing

Oh papaano ko ba mapapadama?
Na walang papantay sa iyong halaga
Mag-pahinga ka lang, iingatan kita
'Wag mag-alala

Sa paggising mo, wala nang aalahanin pa
Hanggang pagtulog mo, ibubulong sayo
Ang kapanatagan na kaya kong ibigay sayo
Na sa pagmulat mo ay alam mong mahal kita
Oh aking sinta

('Di na kailangan)
'Di na kailangan pang mag-alala
'Di na muling mag iisa

('Di na kailangan)
'Di na kailangan pang mag-alala
'Di na muling mag iisa

'Di na kailangan pang mag-alala
'Di na muling mag iisa

'Di na kailangan pang mag-alala
'Di na muling mag-iisa



Credits
Writer(s): Xavier Dei Retorta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link