BTNS (Acoustic)

Pilit kong inaalala
Aking nadama no'ng una kitang makilala

Mga dahilan, ngayo'y hinahanap
Sa'n nagsimulang ikaw na ang aking pangarap?

'Di ko lang maamin na parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig, 'di na maramdaman

Pa'no bang ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan?
Sino'ng sisisihin? 'Di alam ang sasabihin

Noo'y walang humpay, ngiti sa 'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sino'ng sisisihin? Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?

At bigla kong naalala
Mga salita at pangakong iyong binitawan

Yumakap at humingi ka ng tawad
Ikaw ang naunang napagod sa pinaglalaban

Ngayo'y alam ko na kung bakit parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig, 'di na maramdaman

Pa'no bang ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan?
Sino'ng sisisihin? 'Di alam ang sasabihin

Noo'y walang humpay, ngiti sa 'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sino'ng sisisihin? Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?
Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?

At kahit na manghingi ako ng tawad
'Di ko na maibabalik
At kahit na kumapit at yumakap
'Di ko na mauulit ang dati
Ang dati
Ang dati, oh

Ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sino'ng sisisihin? 'Di alam ang sasabihin

Noo'y walang humpay, ngiti sa 'ting mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot, hindi makawala
Sino'ng sisisihin? Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?
Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?

Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?
Pa'no ba? Sino ba? Ano ba?
Bakit 'to nangyari sa 'tin?



Credits
Writer(s): Carl Guevarra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link