Hinuha

Handa ka na bang lakbayin ang mga imposible?
Pahiram ng sandali, nakakapit sa sambit mong uyayi
'Di mapakali, hindi 'to madali
Wala namang katibayan na natanggap
Ngiti mo lang nagsabi sa aking totoo ang lahat
Hindi pala sa 'yo nahanap
Hindi ko alam

Pinagtanto tayo sa simula ng libro
Ngunit 'di rin tayo umabot sa dulo ng ating kwento
Ang isang katulad mo puno ng misteryo
Ang iyong pagkatao ('Yung sana sigurado)
Makakauwi ako sa tahanan ko sa yakap at lambing mo (Hindi pabago-bago)
Nakakalumbay isipin baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at hindi na matandaan ang higpit
Dito ka muna maari?

Sigurado ka na ba sa 'yong pag-alis?
Parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig

Ako ba'y para sa 'yo o lahat 'di totoo?
'Di na ba kailangan ulit-ulitin sa 'yo na ako ay sa 'yo lamang
'Di na ba matandaan ang pag-ibig kong ito'y walang hanggang
Ang pag-ibig mo ba ay hinuha lang?

Bakit ka pa bumalik kung aalis ka lang ulit?
Nagugulumihan ang isip, nakikita sa panaginip
Bawat letrang narinig ang kahulugan nga ba'y pag-ibig
Kailan ba matatahimik?

Nakakalumbay isipin
Baka lang sa takip silim
Ang iyong yakap ay iniisip at
'Di na matandaan ang higpit

Sigurado ka na ba sa 'yong pag-alis?
Parang may pinapahiwatig
Bawat binitawang salita hindi na mababawi
Pilit kumakapit sa pahiwatig

Ako ba'y para sa 'yo o lahat 'di totoo?
'Di na ba kailangan ulit-ulitin sa 'yo na ako ay sa 'yo lamang
'Di na ba matandaan ang pag-ibig kong ito'y walang hanggang
Ang pag-ibig mo ba ay hinuha lang?

'Di na aasa pa
Sa salita
'Di na aasa pa
Sa salita



Credits
Writer(s): Emmanuel Sambayan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link