Hinayang

Napakarami kong sinayang na panahon
Mga pinabayaan kong mga pagkakataon
Kulang nga ang mga araw ng isang buong taon
Para bilangin lahat iyon

Bawat oras ay mahalaga
Bawat sandaling kasama ka
Ako'y nagsisisi na binalewala kita

Ngayong gabi, naaalala ko
Bawat sandali na sinayang ko
Kung maibabalik ko lang
Di na sana nanghihinayang

Paano patawanin ang sarili mong luhaan
Bakit ba nasasaktan mga taong umiibig lang
Paano ko sisimulan, Paano ako hahakbang
Gusto kong baguhin ang mundong kinabibilangan

Bawat oras ay mahalaga
Bawat sandaling kasama ka
Ako'y nagsisisi na binalewala kita

Ngayong gabi, naaalala ko
Bawat sandali na sinayang ko
Kung maibabalik ko lang
Di na sana nanghihinayang

Di mapakali, teka sandali
Di ko mawari kung paano babawi
Kung maibabalik ko lang
Di na sana nanghihinayang

Ngayong gabi nais kong madama
Ang mga yakap mo sinta
Sagipin mo ko dahil ako'y nalulunod na
Na sayo ang kasagutan
Patawad sa mga kasalanan
Isa lang ang natutunan
Ikaw ang dahilan kung bakit

Ngayong gabi, naaalala ko
Bawat sandali na sinayang ko
Kung maibabalik ko lang
Di na sana nanghihinayang

Di mapakali, teka sandali
Di ko mawari kung paano babawi
Kung maibabalik ko lang
Di na sana



Credits
Writer(s): Immanuel John Fernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link