Paraluman

Oh, aking Paraluman, laman ng imahinasyon
Oh, 'di ko maiwasan, ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo at punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko

Paulit-ulit pero gusto kong sabihin na
Gusto kita at parang 'di na 'to mag-iiba
At kahit na ano pa ang sabihin ng iba
Bahala na, ikaw pa rin ang magsisilbi na
Paraluman sa kanta na susulatin ko
'Pag naisipang magpinta, ikaw ang gusto ko
Ikaw ang bida sa istorya na naisip ko
Ikaw lang kasi ang palaging iniisip ko

Isipin mo kung sa umaga
Sabay tayong magkakape, sabay din na tatawa
Sabay magtatagpo ang mata nating dalawa
At biglang mahihiya na para bang isang eksena
Sa paborito mong palabas at ang ating landas, magtatagpo
At tayong dalawa hanggang sa wakas
At sana, pati sa tunay na mundo ay makasama ka, makasama ka

Oh, aking Paraluman, laman ng imahinasyon
Oh, 'di ko maiwasan, ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo at punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko

Isang dalaga na pwede mong ikumpara
Sa pinakamagandang sining na nailikha
Mona Lisa, Ophelia at Primavera, eres única
Wala kang katulad, oh, aking paraluman
Bukod-tangi ang tinataglay mong kagandahan
Hindi magtataka kung bakit 'di ko maiwasan na
Ikaw ay matitigan kahit 'di namamalayan

Ikaw ay parang buwan sa langit na lumiliwanag
Kahit marami ang bituin, ikaw ang tumatawag
Sa aking pansin at ang aking tanging hiling
Ay ikaw ay aking mahagkan
Oh, aking paraluman, gusto ko lang malaman
Kung ayos lamang na ikaw ang pinagkukuhanan
Ng lahat ng aking inspirasyon, magmula pa noon
Ikaw pa rin naman hanggang ngayon

Oh, aking Paraluman, laman ng imahinasyon
Oh, 'di ko maiwasan, ika'y gawing inspirasyon
Sa mundong ito na magulo at punong-puno ng drama ang mga tao
At iba-iba pa ang gusto pero ikaw pa rin ang laman ng puso ko

Ta-ra-ra-ta, ta, ta
Ta-ra-ra-ta, ta, ta
Ta-ra-ra-ta, ta, ta
Tu-rum-tum, tu-rum, tum-tum

Halika na sa aking panaginip, pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip, pagmasdan ang aking iniisip
Halika na sa aking panaginip, pagmasdan ang aking iniisip
Ikaw lang ang aking iniisip, tanging laman ng aking panaginip



Credits
Writer(s): John Raven M Aviso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link