Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin - From "FPJ's Ang Probinsyano"

May gusto ka sa 'king mahal
May balak kang agawin siya
Itsura pa lang, sa akin, lamang ka na
Akitin mo siya, siguradong magwawagi ka

Nakikiusap ako sa 'yo
Nagmamakaawa
Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang siya

Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin siya, sa 'kin, maagaw mo siya
Pakiusap ko sa 'yo, magmahal ka na lang ng iba

Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
'Pag sa aki'y inagaw mo siya

Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh-ooh

May 'pakikilala ako sa 'yo, singganda ng mahal ko
Siya na lang ang ibigin mo
Nakikiusap ako sa 'yo, nagmamakaawa
Kunin mo na ang lahat sa akin, 'wag lang siya

Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin siya, sa 'kin, maagaw mo siya
Pakiusap ko sa 'yo, magmahal ka na lang ng iba, oh

Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
'Pag sa aki'y inagaw mo siya

Kunin mo na ang lahat sa akin
Huwag lang siya



Credits
Writer(s): Jose Larry Hermoso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link