Ang Diwa ng Pasko ay Nasa Puso ng Tao

Sa pagsapit ng Disyembre ay maraming kuwento ang maririnig mo
May mga nangangaroling at kumakatok sa iyong puso

Dama na ang simoy ng malamig na hangin
At mga ngiting matamis dahil

Nandito na ang pinakakinaaabangang panahon
Ang iyong taon ay 'di makokumpleto kapag wala ang Pasko
Buksan niyo ang iyong puso at magmahalan
Dahil ang diwa ng Pasko
Ay nasa puso ng tao

Sa pagsapit ng Disyembre ay maraming ilaw ang makikita mo
May mga batang nangangarap ng kapayapaan sa buong mundo

Dama na ang simoy ng malamig na hangin
At mga ngiting matamis dahil

Nandito na ang pinakakinaaabangang panahon
Ang iyong taon ay 'di makokumpleto kapag wala ang Pasko
Buksan niyo ang iyong puso at magmahalan
Dahil ang diwa ng Pasko
Ay nasa puso ng tao

Gamitin mo ito habang ito'y tumitibok
Dahil tayo'y pareho lang babalik sa alikabok
Ang puso mo ay makapangyarihan
Kaya nitong baguhin ang lahat
Ngayong Pasko magsimula

Nandito na ang pinakakinaaabangang panahon
Ang iyong taon ay 'di makokumpleto kapag wala ang Pasko
Buksan niyo ang iyong puso at magmahalan
Dahil ang diwa ng Pasko



Credits
Writer(s): Elgher Mejorada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link