Nakakulong

Yakapin ang sarili sa mundong mapanghusga
Sarili mong problema, kasama ba sila
Ika'y nag-iisa, wala man lang kaibigan
Sarili mong problema, dala ay kalungkutan

Buhay na mayaman, makuha ang gusto
Di naman nagkulang, bigla lang nagbago
Sobrang pagbigay, sarili di mapili
Ako ang sumabay, iba pa ang pinili

Kalaban ay sarili ko, hindi ko pa matalo
Wala man lang kahati, ba't di pa makumpleto
Iniwan ang pangarap, para sa iba
Pero ang pangarap, pinili ay iba

Ganun pa man, tuloy pa rin
Sama ng loob, wag dibdibin
Isipin may kasama, sa iyong tabi
Isipin may kasama, ang iyong sarili

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Sa ngayon, gusto ko lang mapag-isa
Iniisip ang sarili, bahala na iba

Kalagayan ko'y mahirap, kahit ano pang sikap
Hindi na makaahon, laging kipit balikat

Bahala na
Bahala nalang kayo
Bahala na
Bahala na ang mundo
Bahala na
Bahala na masakupan
Bahala na
Bahala nang malagutan

Pero loko lang, gusto ko pa na mabuhay
Kahit problemado, importante ika'y tunay
Pagmamahal, yan ang palagi mong baunin
Kasi yan ang bagay na di ka pwedeng talunin

Mga bagay bagay dito sa mundo
Hayaan mo yan, natural lang ang gulo
Pasok sa kabila, ipasok mo sa kanan
Wag kang mabahala, ampo lang kaibigan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Lagi na lang akong nag-iisa sa gilid
Bakit ba ganito, lagi akong tahimik
Nagtataka ako, gulong gulo ang isip
Bakit ba ang liwanag, hindi ko na masilip

Ayoko ng mabuhay, ayoko sa mundo
Ayoko ng mabuhay kung iiwan mo ako
Napapaisip lagi ano ang kulang ko sa'yo
Napapaisip lagi anong silbe ko sa mundo

Bigla nalang namulat ang aking mga mata
Bigla nalang nagulat isip ko'y napaiba
Nasagi sa'king utak, pare ko kumapit ka
Wag kang magpatulak, lagi kang may halaga

Lagi mong tandaanl, may nagmamahal sa'yo
Lagi mong tandaan, may tao na kagaya mo
Lagi mong tandaan, lumakas man ang bagyo
Lagi mong tandaan, may pag-asa pa ang buhay mo

Lilipas din ang araw, sumasabay sa agos
Wag ipagpatuloy, hindi na matatapos
Hangga't meron pag-asa, tuloy pa rin ang buhay
Maraming mga peke, piliin maging tunay

Lilipas din ang araw, sumasabay sa agos
Wag ipagpatuloy, hindi na matatapos
Hangga't meron pag-asa, tuloy pa rin ang buhay
Maraming mga peke, piliin maging tunay

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong
Lumalakas na ang mga bulong
Nabibingi na ang kalagayan
Di na alam anong kalayaan

Nandito lang ako nakakulong (Lilipas din ang araw, sumasabay sa agos)
Lumalakas na ang mga bulong (Wag ipagpatuloy, hindi na matatapos)
Nabibingi na ang kalagayan (Hangga't meron pag-asa, tuloy pa rin ang buhay)
Di na alam anong kalayaan (Maraming mga peke, piliin maging tunay)

Nandito lang ako nakakulong (Lilipas din ang araw, sumasabay sa agos)
Lumalakas na ang mga bulong (Wag ipagpatuloy, hindi na matatapos)
Nabibingi na ang kalagayan (Hangga't meron pag-asa, tuloy pa rin ang buhay)
Di na alam anong kalayaan (Maraming mga peke, piliin maging tunay)



Credits
Writer(s): Abdelnaser Banisil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link