Walang Hanggang Paalam (Original Soundtrack)

'Di ba tayo'y narito upang maging malaya
At upang palayain ang iba?
Ako'y walang hinihiling
Ika'y tila ganoon din
Sadya'y palayain ang isa't-isa

Ang pagibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay siya ring katapusan
May patutunguhan ba ang ating pagsinta?
Sa biglang tingin kita'y walang kinabukasan
Subalit 'di malupig ang pag-asa

Ang pagibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang pagibig natin ay walang hanggang paalam
At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Sa magkabilang dulo ng mundo



Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link