HURADO (SPOKEN POETRY)

Tinotodo yung sipag buong araw at gabi
Sagaraan ang puyat lunod na sa kape
Bumibigat na aking mata
Kailang nang magpahinga
Nakatulog at patuloy sa pananaginip
Patutunguhan ko sa hinaharap nais kong masilip

Gumising bumangon bagong umaga nanaman
Estado ko ngayon kailangan munang pag tyagaan
Sinuot aking sapatos naglakbay tuloy sa paglalakad
Napadpad sa maingay tila hurado ang lahat
Ako'y tumoloy parin iniiwasang tamarin at matengga
Natural nandyan padin ang mga maiingay sa tenga
Hinayaan ko lang,
Hanggat sa may naani nakong bunga
Sa wakas meron nakong bisekleta
Makaka lakbay narin ng mas matulin
Yung may galit palihim di ko nalang papansinin
Tuloy sa pag pedal mas lalo pakong ginanahan
Alam ko din naman na hindi to paunahan
Makaka rating din ako saking patutunguhan
Kaya nag plano ng maigi at pinagiisipan bawat kilos
Walang sinasayang na segundo upang makaraos
May pagsubok man na dumating agad ding matatapos
Ako'y nag patuloy Nagkaron pabuya sa sarili ito ay apat na gulong
Syempre nandyan parin ang mga taong bumubulong
Sila ang naging motibasyon saaking pag ka panalo
Kasi nasasaiyo yun kung magpapadala ka sa mga taong nagpapaka hurado



Credits
Writer(s): Ianlord Cea
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link