Kahon
Galak
Ang tanging nadarama
Sa tuwing aking bubuksan
Ang patong patong na kahong
Bigay laman
Ay ang mga yakap at halik
Ninyong naipon
Sa matagal-tagal na panahong
Ako'y naghihintay
Na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ang pananabik
Na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik, mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman ay laruan
Ligayang hatid sa tuwing may darating
Na kahon
Agwat
Kilo-kilometro ang agwat ng pangungulila
At may lawak ng karagatan ang tinig
Tila kay lapit-lapit kahit malayo
Kayo ay parang nandirito na rin
Ako'y naghihintay
Na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ang pananabik
Na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik, mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman, larawan
Ligayang hatid sa tuwing darating
Ang kahon
Hinihele-hele pa ninyo noon
Kahit may pangamba
At pag-aalala sa paglayo
Tila lang nahihimbing
Sa likod ng salamin
At ang tahimik ng lahat
Sa bawat
Pagdapo ng paru-paro sa bulaklak
Aking kapit ng mahigpit
'Di mabitawan kahit isang saglit
Larawan at laruan
'Di ko na mayayakap laman ng huling
Kahon
Ang tanging nadarama
Sa tuwing aking bubuksan
Ang patong patong na kahong
Bigay laman
Ay ang mga yakap at halik
Ninyong naipon
Sa matagal-tagal na panahong
Ako'y naghihintay
Na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ang pananabik
Na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik, mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman ay laruan
Ligayang hatid sa tuwing may darating
Na kahon
Agwat
Kilo-kilometro ang agwat ng pangungulila
At may lawak ng karagatan ang tinig
Tila kay lapit-lapit kahit malayo
Kayo ay parang nandirito na rin
Ako'y naghihintay
Na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ang pananabik
Na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik, mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman, larawan
Ligayang hatid sa tuwing darating
Ang kahon
Hinihele-hele pa ninyo noon
Kahit may pangamba
At pag-aalala sa paglayo
Tila lang nahihimbing
Sa likod ng salamin
At ang tahimik ng lahat
Sa bawat
Pagdapo ng paru-paro sa bulaklak
Aking kapit ng mahigpit
'Di mabitawan kahit isang saglit
Larawan at laruan
'Di ko na mayayakap laman ng huling
Kahon
Credits
Writer(s): Kyle Anunciacion
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.