30missedcall

Binalot nayung buong mundo
Dimo na alam kung ano gagawin mo
Tila tahimik yung buong paligid
Pero hindi mo alam kung hangang kelan to
Di mona mabilang binawian ng buhay
Naging laman kana lamang ng bahay
Kapaligiran tila nawalan ng kulay
Pero maniwala ka na meron isang tunay
Na nag mamasid nagmamasid
Dika nag iisa aking kapatid
Dimo ba natanong bat humihinga kapa
Hangang ngayon nasa mundo parin yung mga paa
At tumayo kalang muli kapag ka nadapa
Bat ginagawa ko to? Di na yun mahalaga
Lahat ng problema ay nalalampasan
Ano mang pagsubok ay kaya mo yan
Maniwala kalang

Alam mo pareho lang tayo
Mga kaganapan dina yan bago
Ganto talaga sa mundo ng tao
Katawan sa lupa utak sa ibang ibayo
Kung ayaw nila sayo edi halika
Ng makita mo yung tunay na planeta
Sino ba nagsabi sayo na malika
O baka siguro di lang nila. nakikita
Yung halaga ng bagay kapag nanjan
Kung bat ko ba to nasabi
Alam ko yung pakiramdam



Credits
Writer(s): Michael Zapata
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link