Basta't Kapiling Ka, Masaya Ang Pasko

Oh-oh, oh-oh

Ang indak ng mga bumbilya
Ngayong tao'y mag-iiba
Nakasanayang gawi, 'di magiging madali
Pagsapit ng araw nating pinakamimithi

Ngunit 'di dapat mangamba
Wala sa 'ting nag-iisa
'Di mananahimik ating pag-ibig
Tayo ay magsisiawit ng magagandang himig

Kay raming pagbabago sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago ang pinakamagandang regalo
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo, mas lalong sasaya ang puso

(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko
(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko

Iba man ang ating pagbati
Pag-ibig pa rin ang siyang maghahari
Naiba man ang takbo ng ating kwento
'Di matitinag diwa ng Pasko

Kay raming pagbabago sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago ang pinakamagandang regalo
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo, mas lalong sasaya ang puso

(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko
(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko

Kahit may pinagdaraanan
O agwat na namamagitan
Para sa isa't isa'y laging nandiyan

Kay raming pagbabago sa parating na Pasko
Ngunit 'di magbabago ang pinakamagandang (regalo)
Ang sa puso'y magkasama tayo
Basta't ika'y kasalo, mas lalong sasaya ang puso

(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko
(Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko

(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko
(Oh-oh, oh-oh)
Basta't kapiling ka, masaya ang Pasko



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link