Iiyak Sa Ulan

'Di mo na kailangan pang
sabihing aalis ka na
Tingin pa lang ng 'yong mata
Ramdam ko nang lilisan ka

At kung sakaling isiping nasasaktan ako
Kung pwede lang sabihin sa iyo

Iiyak lang ako 'pag may ulan, oh
Iiyak lang ako nang 'di mo malalaman
Para 'di mo makita ang mga matang luhaan
'Di bale nang masaktan
'Di bale na basta't masaya ka lang

'Wag ka nang mag-alala
Habang nandiyan ka pa'y 'di luluha, oh
At sa araw na aalis ka na
'Wag nang mag-alinlangan pa
Para 'di na ako aasa pa

At kung sakaling isiping nasasaktan ako
Kung pwede lang sabihin sa iyo

Iiyak lang ako 'pag may ulan, oh
Iiyak lang ako nang 'di mo malalaman
Para 'di mo makita ang mga matang luhaan
'Di bale nang masaktan
'Di bale na basta't masaya ka lang, whoa

At kung sakaling isiping nasasaktan ako
Kung pwede lang sabihin sa iyo, oh

Iiyak lang ako 'pag may ulan, oh
Iiyak lang ako nang 'di mo malalaman
Para 'di mo makita ang mga matang luhaan
'Di bale nang masaktan
'Di bale na, 'di bale na, oh

Iiyak lang ako nang 'di mo malalaman
Mga problema, ako'ng bahala
'Di bale nang masaktan
'Di bale na basta't masaya ka lang, ah



Credits
Writer(s): Dan Lagroma
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link