Dilaw

Hoy ikaw
Isarado mo nga muna ang iyong bibig, baka makita ka nila
Maghunos-dili ka
Huwag na huwag kang magpapahuli ng buhay diyan
Kung ayaw mong mapahiya

Pagpasok mo ng kwarto ang aking mundo'y tumigil
Ang buong paligid ay nagdilim
Ikaw lang ang nakita

O Dilaw! Ikaw ang tangi kong ilaw
Ang iyong sinag ang aking tanging liwanag
Sa gabing madilim na puno ng lagim
Ang aking tanglaw ay ang iyong ilaw
O Dilaw
O Dilaw

Oh, ano
Panay titig na lamang ba ang iyong gagawin
Baka naman matunaw yan
Sige na
Kausapin mo na yan, huwag ka nang mailang
Baka mapanis laway mo

Bigla ka nalang lumapit sakin, ang mundo'y umikot
Ang buong paligid ay nagkakulay
Nang dahil sa iyo

O Dilaw! Ikaw ang tangi kong ilaw
Ang iyong sinag ang aking tanging liwanag
Sa gabing madilim na puno ng lagim
Ang aking tanglaw ay ang iyong ilaw
O Dilaw

Sa twiwtina ikaw ang nasa isip ko
Ang ngalan mo sinasmbit na para bang dalangin

O Dilaw! Ikaw ang tangi kong ilaw
Ang iyong sinag ang aking tanging liwanag
Sa gabing madilim na puno ng lagim
Ang aking tanglaw ay ang iyong ilaw
O Dilaw

O Dilaw! Ikaw ang tangi kong ilaw
Ang iyong sinag ang aking tanging liwanag
Sa gabing madilim na puno ng lagim
Ang aking tanglaw ay ang iyong ilaw
O Dilaw
O Dilaw



Credits
Writer(s): Ivan Niccolo Nery
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link