PAHIMAKAS

Mga luha sa aking mata sa 'king puso may iniinda
Tila sariling mundo'y nilikha kung saan doo'y walang naninita
Tara samahan mo ako sa pagpinta
Tanging ikaw lang ang inimbita
Oh sinta
Pwede ba halika na
Halika na (hmm,tara)

Turuparin ko pa rin ang mga pangako kahit wala ka
Wala nga bang tiyansa
'Onting pag asa na makasama
Ako'y umaasa na sana iyong dinggin
Mga pangako na saksi ang bituin
Mga gabing sa'yo lang ang tingin (sa'yo lang tingin)
Hirap alisin
Hirap alison

Pano mo ba ako nalimutan
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit

Ako ay ayos na at maaabot ko na
Mga pangarap nating dalawa
Ako na'ng bahala hihiling kay bathala

Kahit na ako na lang ang mag isa
Hanggang ngayon (hanggang ngayon)
Hirap pang bumangon (hirap pang bumangon)
Gawang nandito pa'ng kirot ng kahapon (ang kirot mula kahapon)
Andaming daming pagsisisi kung bakit 'di ka nanatili
At bakit 'di ako ang 'yong napili

Pano mo ba (bakit 'di ako) ako nalimutan (bakit 'di ako)
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit

Ang dami ko pang gustong sabihin
Sana nama'y ito'y makarating na pinaparating ko
Pangarap ko sanang maulit ang ating mga sandali
At ng makatabi ka sa dating gawi't makapagpagabi

Kundi maaaring ika'y makapiling sa 'king panaginip

Pano mo ba (pa'ano mo ba) ako nalimutan (ako nalimutan)
Kasi alam ko na mahirap na mawala lahat sa sa isang iglap
Kaya kung pwedeng ibalik pa natin ang lahat sa dati
Pangakong 'di na mauulit

Ipilit ko man ating nakaraan at mga ba na ating nakasanayan
Ay haharapin ang masakit na katotohanan na

Hindi na babalik
Hindi na babalik
Hindi na babalik pa



Credits
Writer(s): Karl Ayn Escalona, Asiong De Luna
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link