Gibik

Sa pagsikat ng araw
Ikaw ay natanaw
Kay tagal kong nag antay
Dumating ang kulay

Gibik ko ay narinig
Naglaho ang nginig
Tinig nya ay lumapit
Katulad ng ibong umaawit

Sa paglipas ng maraming araw
Ikaw ay nadama
Mga bagay na pinakahihintay ay iyong inalay

Pag ibig nating nakamit
Akapin nating mahigpit
Tayo na at sumayaw
Sa sikat ni haring araw

Sa paglubog ni haring araw
Napinta si dilim
May mga kislap si bitwin
At si buwan ay kuminang din

Aking napansin
Ang kulay ay lumililim
Sanay muling dumating
Ang araw na aking hinihiling

Gibik ko ay narinig
naglaho ang nginig
Pag ibig nating nakamit
Akapin nating mahigpit



Credits
Writer(s): Bea Herrera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link