Katabi

Sala sa init, sala sa lamig
Ang 'yong nararamdaman
Para sa akin

Bumubulong sa hangin, kailan mapapasakin
Natatangi kang bituin
Sa aking paningin

Kung ipauubaya sa akin
Ang iyong sarili
Ay dito ka lamang

Sa aking tabi
Hindi na muling lilisan
Hindi ka pababayaan
Kung ika'y katabi

Aalisin
Mga unos ng dalamhati
At hindi paluluhain
Sa aking tabi

Huwag mong sasabihin, na di para sa atin
Mahirap bang sambiting
Na sa iba ang yong damdamin

Huwag ka lang sanang umalis at
Iyong dinggin, at kung nais
Dito ka lamang

Sa aking tabi
At atin ng kalimutan
Mundo at ang kalungkutan
Kung ika'y katabi

Ikaw ay muling
Makakaranas ng kasiyahan
Ngunit hindi ako
Ang iyong katabi



Credits
Writer(s): Anthony Gil Ulpindo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link