Toinks.

Usapang politika muna tayo dito tol
Di para makipatok, di para makigulo
Di rin para makiuso, gagamiting instrumento
Kung ano ang meron ako
Di ako pala sulat ng mga bara tungkol sa bagay na to
Sadyang napuno, sa abuso ng mga hayop na to
Sa isang gabi madaming kababayan ang nagising
Sapagkat meron pa rin pinili na manatili sa dilim
Mga nagbubulag-bulagan
Ayaw magsi-dilat
Banat lamang ng banat
Bahala na kung may matamaan
Ganyan din naman ang pinaniniwalaan
Ng inyong hinahangaan
Inaabuso ang kanyang kapangyarihan
Rape at sexual abuse ginagawang biro ng puta
Nakakasuka, usapang mahirap?
Wala man lang simpatya
Tinatawanan pa ng mga tanga
Pag may sinasabing kagaguhan sa mga press-con niya
Pera ng pinas, san na nga ba napupunta?
Isang matanda na walang tamang ginawa
Puro kamatayan lamang ang inambag niya
Ito ang storya ng isang matanda
Na walang tamang ginawa
May kasama laging naka-braces
Yun ang kumikilos para sakanya
Pare ang lala
Mas may pake pa siya sa china
Kesa sa sariling bansa niya

Watchlist ng mga pulis
Tinu-turing deathlist
Iisa ang nais
Katayin ang nasa hitlist
Panahong 2016
Naka-Witness ng crime scene
Ala-una ng umaga, nanonood lamang ako ng pelikula
May ingay galing sa kalsada, sumilip sa aking bintana
Bumaba sa van na pula
All black ang damitan nila
Apat na naka-maskara
May binaba na naka sako ang kanyang ulo
Noon palang alam ko na
Tangina deathsquad to
Sinigawan, sabay tinutukan
Pinagmumura, sabay binanatan
Sumigaw ng wag po wag po
Kinalabit ang kanilang baril
Nabutas ang kanyang bungo
Nag-kalat sa aming kalsada
Ang kanyang mga ipin
Tumu-tulo ang kanyang dugo
Apat na beses pang pinutukan
Habang sumisigaw ng
(PUTANGINA MO)
Lumipas ang ilang oras
Nagsi-datingan na ang mga media
Ng tanungin ang mga pulis
Kung ano nangyari
Iisa lang ang kanilang sagot
"Eh wala ma'am eh sa nakikita niyo po
Nanlaban po"



Credits
Writer(s): Simon Peñaflor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link