Sa Bawat Baitang (feat. Belle Marts)

Habang ika'y sumasayaw
Pinagmamasdan ang bawat galaw
Ng iyong katawan, baka naman
Iyong pagbigyan ang kahilingan na
Ikaw ay dahan-dahang mailakad sa isipang
Puro ikaw lang (ako na lang), ikaw lang (ako na lang)

Ikaw ang may kasalanan
Kung bakit ako ganito
Ngayon, mula noon
Hindi ko na rin alam (hindi alam)
Kung nasaan (kung nasaan) ang pinagsamahan

Sa bawat baitang na inaakyat
Pagmamahalan ay hindi naging sapat
Ako ay papanhik (ikaw ay papanhik), ikaw ay pabalik (ako ay pabalik)
Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di ka na sabik

Oh-oh-oh-oh-oh
Ooh-ooh-ooh-ooh
Malaya ka na (malaya ka na)
Paalam, sinta (paalam, sinta)

Habang ako'y sumasayaw
Nakikita ang bawat tanaw
Ng iyong mga mata
Hindi kaya ika'y umaasang maipadama
Ang bungad ng pintuan at malawak na isipang
Puro ako na lang (ikaw na lang), ako na lang (ikaw na lang)

Ako ang may kasalanan
Kung bakit ka nagkaganyan
Ngayon mula noon
Hindi ko na rin alam (hindi alam)
Kung nasaan (kung nasaan) ang pinagsamahan

Sa bawat baitang na inaakyat
Pagmamahalan ay hindi naging sapat
Ako ay pabalik (ikaw ay pabalik), ikaw ay papanhik (ako ay papanhik)
Tayo'y nagkatagpo ngunit 'di na 'ko sabik

Ah-ah-ah-ah-ah
Ah-ah-ah-ah
Malaya ka na (malaya ka na)
Paalam, sinta (paalam, sinta)

Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita

Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita
Paalam na sa ating alaala
Paalam na kahit na mahal kita



Credits
Writer(s): Fernando Cunanan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link