Di Na Sana

Huli na ba na ayusin ang aking nasirang pagkakataon?
Gusto kong pihitin ang orasan at baka sakaling magbago ang
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana at hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana at hindi na sana nagkaroon ng sana

Sana
Sana

'Di ka natrato nang tama
Ilan na pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
Sinabi kong 'di kita sasaktan tulad nila
Bakit 'di naiwasan?
Ito ba ang tinadhana? Ito ba ang tinadhana

Malinis mo na hangin aking pinuno ng usok
Papel mo sa 'king buhay ay sinunog
Tanga-tangahan parang 'di tinuro
Sa akin dismayado ang ninuno at
Ayoko nang lumapit sa katapusan
P'wede ba na bumalik sa simula?
Sa kanila papamukha kung sino ka
Mamahalin higit pa sa 'king katawang lupa
Itanim pabalik pag-ibig dating sinlawak ng gubat
Kung 'di ka papadapuan, walang malalim na sugat
'Di ka magkakaganto tulad ngayon, ohh
'Di ka magkakaganto tulad ngayon, ohh

Huli na ba na ayusin ang aking nasirang pagkakataon?
Gusto kong pihitin ang orasan at baka sakaling magbago ang
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana at hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana at hindi na sana nagkaroon ng sana

Sana
Sana

'Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
'Di ka magkakaganto tulad ngayon
'Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
'Di ka magkakaganto tulad ngayon



Credits
Writer(s): John Roa, Emmanuel Salen, Bj Castillano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link