Pahinga

Pwede bang sumandal? Kahit medyo matagal?
Nahihilo na ako kanina pa, kailangan ko, kailangan ko ng pahinga

Ako'y hindi mapakali kasi kanina pa ako nag-iisip kung
Paano na? Ano na? Ganito na lang ba talaga?
Paulit-ulit kaya medyo nakakasawa na

Sa magulo kong mundo, ikaw ang tanging nakapagpakalma nito
Bigla-bigla na lang tumigil itong bagyo, at napalitan ng bahaghari ito

Kasi baby you save me,
Dito sa komplikado kong mundo
And baby you help me,
Na makabangon sa mga balakid na ito

Kailanma'y hindi na lalayo, pagkat sayo lang ako natuto
Pangakong dito lang ako sa tabi mo, gusto ko palaging dito lang ako sa tabi mo ey

Pwede bang sumandal? Kahit medyo matagal?
Nahihilo na ako kanina pa, kailangan ko, kailangan ko ng pahinga

Sa presensiya mo ay parang hinihele ako kaya naman
Sana ganito na lang palagi, magkalapit ang labi
Sabay bubungad ang iyong ngiti, sarap pagmasdan ng iyong pisngi
Baka pwede na aking mahawakan, kamay sa tagiliran sabay konting lambingan,

Isasayaw kita ng dahan-dahan, na para bang tayo lang ang nandito sa silid
Linyahang pampakilig habang papalapit sayong bibig

Tuwing napapagod ako, bulong mo sakin ay "akong bahala sayo"
Ihahandog ang mahigpit na yakap mo, sabay biglang halik sa aking noo

Pwede bang sumandal? Kahit medyo matagal?
Nahihilo na ako kanina pa, kailangan ko, kailangan ko ng pahinga

Pwede bang sumandal? Kahit medyo matagal?
Nahihilo na ako kanina pa, ikaw ang aking, ikaw ang aking pahinga

Ikaw ang aking, ikaw ang aking pahinga
Ikaw ang aking, ikaw ang aking pahinga
Ikaw ang aking, ikaw ang aking pahinga
Ikaw ang aking pahinga



Credits
Writer(s): Cj Abina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link