Ikot

Inikot ko na ang bawat hibla
Ng iyong pag-iisip
Bat hindi pa mahagip ang iyong presensya

Gisingin ang sarili't wag nang magtanong
Iwanan mo ang bakit para sa ngayon
Ang oras ay isang kaibigang di umaalis
Kaya't hanggang andyan pa sya'y akaping mahigpit

Di naman, lingid sayong
Nagsasara ang bawat libro

Kaya umikot ka na, sa bawat hibla
Ng iyong pag-iisip
At hayaang mahagip ang iyong presensya

Pag makalam na ang sikmura
Malilimutan mong tumawa
Lahat ng galit nasasama't
Nauuwi lang yan sa drama

Pag makalam na ang sikmura
Malilimutan mong gumana
Lahat ng plano mong sinama
Mauuwi lang sa "Sana"

Makalam man ang sikmura
Lingon sa langit ng pag-asa
Wag ikahon sa isang drama
Ang kwento mong sisimulan pa

Makalam man ang sikmura
Hakbang sa langit ng pag-asa
Wag mong hayaang maging "Sana"
Ang kwento mong nasimulan na

Pagsubok ay isang bisitang di umaalis
Pag-apak mo sa rurok di yan mabilis
At ang sakit at hirap mo
Ay ang tulay sa tibay mo

Kaya umikot ka na sa bawat hibla
Ng iyong pag-iisip
At hayaang mahagip ang iyong presensya!
(Makalam man ang sikmura,
Hakbang sa langit ng pag-asa)

Ang oras ay isang kaibigang di na babalik



Credits
Writer(s): Paul John Umali
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link